Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Rep Magsino

OFW Convention and Tourism Center magiging sentro ng turismo ng Batangas

Mar Rodriguez Apr 10, 2025
42 Views

Rep Magsino Rep Magsino Rep Magsino Rep MagsinoLAUREL, BATANGAS — Inaasahan na magiging sentro ng turismo ng lalawigang ito ang nakatakdang pagpapatayo ng Overseas Filipino Workers (OFW) Convention and Tourism Center matapos pangunahan at pasinayahan ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang groundbreaking ceremony para sa konstruksiyon ng nasabing imprastraktura.

Ito ang ibinigay na projection ni Magsino para sa ipapatayong OFW Convention and Tourism Center sa Barangay Berinayan, Laurel, Batangas na inaasahang matatapos bago sumapit ang 2028 o maaaring mas mapaaga pa ang completion ng konstruksiyon nito.

Sabi ng kongresista na ang naturang pasilidad ay magiging sentro ng iba’t-ibang serbisyo katulad ng pagsasagawa ng job fair, conferences, trade exihibit, tourism expo kabilang na dito ang mga cultural events ng Batangas.

Ayon kay Magsino, magiging libre o free of charge para sa mga OFWs at Seafarers kasama na ang kanilang pamilya sakaling nais nilang gamitin ang convention center para sa kanilang personal na aktibidades habang may discount naman na ibibigay para sa mga Local Government Units (LGUs).

Nabatid na personal umanong inasikaso ni Magsino ang donasyon para sa isang hektaryang lupa para sa naturang proyekto bilang konkretong hakbang nito sa pagpapalawak ng mga programa para sa benepisyo ng mga OFWs at Filipino seafarers.

“Ang OFW Convention and Tourism Center na magiging world-class facility ay tatayong simbolo ng ating pagkilala sa world-class na kagalingan at dedikasyon ng ating mga OFWs,” ani Magsino.

Kasabay nito, nagpaabot naman ng taos pusong pakikiramay si Magsino para sa pamilya ng mga OFWs na nasawi sa malakas na lindol sa Myanmar.

Winika nito na nakapanlulumo aniya ang naturang balita na kinumpirma naman ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Ipinahayag din ni Magsino na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa DMW at DFA upang matiyak na maipaparating nito para sa mga OFWs sa Myanmar ang kinakailangang tulong at suporta kasama na ang pagtitiyak na sila ay nasa ligtas na kalagayan.

To God be the Glory