OFW mula Italy nawalan ng P2M, euros, alahas sa kasambahay

Christian Supnad Mar 15, 2022
299 Views

VIGAN CITY, Ilocos Sur – Isang overseas Filipino worker (OFW) mula Italy ang nawalan ng mahigit P2 milyon na cash, Euro currency, at mga alahas sa kanyang kasambahay na naaresto kahapon matapos umanong nakawin ito sa Purok 1, Bgy. Pantay Fatima Vigan City, Ilocos Sur.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Imelda Amigable, 62, byuda, isang OFW mula Italy habang ang nadakip na suspek ay kinilalang si Emelyn Refuerzo, 28, kapwa residente ng Bgy. Pantay Fatima, Vigan City.

Ang biktimang OFW ay nagsumbong sa Vigan PNP (Philippine National Police) na nawawala ang kanyang safety vault na naglalaman ng P1,800,000.00; 15,000 sa euro; at mga set ng alahas na tinatayang nagkakahalaga ng P300,000 na inilagay niya sa loob ng cabinet sa kanyang kwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Vigan PNP, nakita ng biktima na nawawala ang kanyang pera at mga piraso ng alahas nang dumating siya noong Pebrero 09, 2022, bandang 8:00 ng umaga.

Sinabi ng pulisya habang nagsasagawa ng imbestigasyon, inamin ng suspek na ninakaw niya ang nasabing nawawalang pera at mga alahas na nakalagay sa loob ng vault habang ang biktima ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ibinalik ng suspek sa biktima ang natitirang P100,000.00 at mga set ng alahas. Kasama si Joanne Rosario, OJT.