Magsino

OFW Party List Group iginiit na kailangang magkaroon ng bagong Philippine Immigration Law

Mar Rodriguez May 27, 2023
238 Views

BAGAMA’T pumasa na sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na nagsusulong ng modernization sa Bureau of Immigration (BI). Subalit iginigiit naman ng One Filipinos Worldwide (OFW) Party List Group na kailangan parin na magkaroon ng bagong batas o ang “Philippine Immigration Law” upang tuluyang maisa-ayos ang sistema sa loob ng nasabing ahensiya.

Binigyang diin ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na panahon na umano para magkaroon ng panibagong batas kaugnay sa Philippine Immigration Law sapagkat ang Commonwealth Act 613 patungkol sa Immigration Department ay naisabatas noon pang 1940.

Gayunman, sinabi ni Magsino na itinuturing nila bilang isang “welcome development” ang pagkakapasa ng House Bill No. 8203. Subalit ipinaliwanag ng kongresista na ang kailangan ng BI ay isang “overhaul” o pagsasa-ayos ng kabuuang sistema sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito.

“Atin pong sinabi pa noong tayo ay magkaroon ng privilege speech sa Kamara na importanteng magkaroon ng bagong Philippine Immigration Law. Ang Commonwealth Act 613 ay isinabatas noong 1940 pa. kailangan na natin ng makabagong batas sa magsasa-ayos sa hanay ng Bureau of Immgration,” ayon kay Magsino.

Ayon kay Magsino, ang pagpapatibay o pagpasa ng House Bill No. 8203 ang magsisilbing gabay at magbibigay ng direksiyon para sa BI sa pagtugon nito sa mga problemang kinakaharap ng ahensiya partikular na umano sa malubhang problema ng human trafficking at iba pang kontrobersiya.

Sa kabila nito, aminado ang OFW Party List lady solon na kahit gaano ka-perpekto ang ipinasang batas para sa modernization ng BI. Subalit hindi pa rin aniya ito magiging epektibo kung malai naman umano ang implementasyon ng nasabing batas. Kung kaya’t kailangan ang isang matibay na liderato.

Para kay Magsino, mahalaga umano na makasama sa ikakasang modernization ang paghpapalakas sa kakayahan ng mga kawanio ng BI. Kabilang na dito ang merit system, training at pagpapataw ng parusa laban sa mga kawani ng Immigration Department na nakikipag-sabwatan sa mga sindikato ng human trafficking.

“Ang panukalang batas ay magiging gabay at magbibigay ng direction sa Bureau of Immigration sa pagtugon nito sa mga hamon ng makabagong panahon lalo na sa mga problema sa illegal recruitment at human trafficking. Subalit gaano man ka-perpekto ang ang isang batas hindi ito magiging epektibo kugn mali ang implementasyon. Kaya’t kailangan ng isang matubay na liderato,” sabi pa ni Magsino.