OFW partylist

OFW Party List Group isinulong imbestigasyon sa perwisyo sa mga domestic airlines

Mar Rodriguez Jul 4, 2023
272 Views

OFW partylistOFW partylistMAAARING napikon na ang OFW Party List Group patungkol sa paulit-ulit na problema sa mga domestic airlines kabilang na dito ang overbooking, flight delays, flight cancellation, mahabang pila ng mga pasahero at iba pang napakasamang serbisyo na nakaka-perwisyo sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Dahil dito, inihain ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang House Resolution No. 1105 sa Kamara de Representantes na naglalayong magkaroon ng imbestigasyon at ma-address ang paulit-ulit na problema ng mga pasahero sa mga domestic airlines.

Binigyang diin ni Congresswoman Magsino na mistulang walang kamatayan ang mga problemang ibinibigay ng mga domestic airlines. Sapagkat sa halip na solusyunan nila ang nasabing problema ay nagpapabalik-pabalik lamang ito katyulad ng flight delays at flight cancellations na wala man lamang abiso sa mga pasahero.

“These have been consistent and perennial complaints from air passengers in and out of the country against a number of domestic airlines of being offloaded due to overbooking, flight delays and cancellations without timely and valid explanations long queues, mobile phone glitches, lost baggage, unnecessary security checks, unresponsive customer assistance anf other issues,” Sabi ni Magsino.

Dahil din sa pangyayaring ito, sinabi pa ni Magsino na nauunawaan nito ang dissatisfaction, frustration at sentimyento ng mga pasahero partikular na ang mga OFWs. Kaya kinakailangan talagang imbestigahan ng Kongreso ang isyung ito para matapos na ang problemang ibinibigay ng mga domestic airlines.

Iginigiit pa ng kongresista na ang Migrants workers o ang mga OFWs ang pinaka-apektado ng mga problemang idinudulot ng mga domestic airlines dahil ilan sa kanila ang na-revoke ang kanilang overseas employment contracts, nagkaroon ng penalties at pagkakatanggal sa pinapasukang trabaho.

Ipinaliwanag ni Magsino na walang ibang dapat sisihin sa pangyayaring ito kundi ang mga domestic airlines mismo. Sapagkat na-delay at hindi nakarating sa takdang oras ang mga OFWs alinsunod sa naging kasunduan o ang back to work agreement bunsod ng flight delays at flight cancellation.

“One of the biggest sectors affected by the declining quality of airline services is the OFW sector. Instances of revoked overseas employment contracts, penalties and employer repercussions resulting from delayed of failed arrivals at worksites have benn reported,” Paliwanag pa ni Magsino.

Samantala, isinagawa naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito na si Atty. Falconi “Ace” V. Millar ang programa nitong “PAROKYA NI OWWA” sa Pampanga para kausapin at kamustahin ang pamilya at kamag-anak ng mga OFWs sa nasabing lalawigan.