Calendar
OFW Party List Group nagpahayag ng solidong suporta para kay Speaker Martin Romualdez
NAGPAHAYAG ng solidong suporta ang One Filipinos Worldwide (OFW) Party List Group para kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez matapos sumingaw ang alingas-ngas sa Kamara de Representantes na balak umano itong palitan bilang mataas na lider ng Kongreso.
Sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na matatag at matibay ang kanilang suporta para kay Speaker Romualdez sa gitna ng umugong na balitang may magaganap na “kudeta” sa Kamara.
Binigyang diin ni Magsino na napaka-impsibleng mangyari ang kudeta sa loob ng Mababang Kapulungan sapagkat gaya niya, mayorya ng mga kongresista ang buong-buo ang suporta para kay Speaker Romualdez.
Ipinaliwanag ni Magsino na napaka-hirap tumbasan o pantayan ang mga hindi matatawarang achievementso accomplishments ni Romualdez mula ng maupo at maluklok siya bilang mataas na lider ng Kongreso. Sakaling magkaroon nga ng rigodon sa liderato ng Kamara de Representantes.
Binanggit ng kongresista na bilang House Speaker, napaka-laki aniya ang nagawa ni Speaker Romualdez para sa kapakanan at kagalingan (welfare) ng mga OFWs sa pamamagitan ng ibinibigay nitong suporta para sa mga panukalang batas na inihahain niya para sa mga Pilipinong manggagawa.
Itinuring naman ni Magsino bilang “kuwentong barberya” lamang ang sinasabing kudeta sa liderato ng Kamara sapagkat napaka-impsibleng magkaroon ng rigodon dahil napakalaki ng tiwala o kompiyansa ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa iderato ni Speaker Romualdez.
Kasabay nito, nagpahayag din ng isang taos puso at marubdob na pagbati si Magsino para kay Pampanga 3rd Dist. Congressman Aurelio “Dong” D. Gonzales, Jr. bilang bagong Senior House Deputy Speaker mula sa pagiging dating House Deputy Speaker matapos itong maihalal.
Naniniwala si Magsino na malaki ang magagawa ni Gonzales upang maging kaagapay ni Speaker Romualdez para maisabatas ang mga “priority measures” ng Pangulong Marcos, Jr. kabilang na dito ang pagsasakatuparan sa 8-Point Socio-Economic Agenda ng administrasyong Marcos, Jr.