Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Magsino

OFW Party List Group pinag-iingat ang 10,000 OFWs sa Russia

Mar Rodriguez Jun 26, 2023
160 Views

PINAG-IINGAT ng OFW Party List Group sa Kamara de Representantes ang nasa sampung libong (10,000) Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Russia kasunod ng nangyaring tensiyon sa nasabing bansa matapos napabalita ang pag-aalsang inilunsad ng paramilitary na Wagner Group.

Sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na bagama’t humuhupa na ang dating namumuong tensiyon sa Russia dulot ng napa-ulat na pag-aalsang pinasimulan ng Wagner Group. Gayunman, nag-aalala parin ang kongresista para sa 10,000 OFWs sa nasabing bansa.

Binigyang diin ni Magsino na kahit pa naudlot ang pag-aalsa ng Wagner Group. Kailangan parin umanong tutukan at bantayan ng Philippine government ang sitwasyon sa Russia sakaling ito’y magbunga pa ng iba pang uri ng kaguluhan na lubhang makaka-apekto sa 10,000 OFWs sa Russia.

Pinayuhan din ni Magsino ang mga OFWs sa Russia na habang humuhupa ang tensiyon sa naturang bansa ay kailangan nilang panatilihing bukas ang linya ng kanilang komunikasyon, laging mag-ingat sa kanilang mga kilos at piliin ang mga lugar na kanilang pupuntahan.

Bukod dito, idinagdag pa ni Magsino na napakahalaga din na sundin nila ang patakaran o polisiya na ibinibigay ng Philippine Embassy sa Russia at mga lokal na awtoridad para narin sa kanilang kaligtasan.

Sinabi pa ng OFW Party List Lady solon na bagama’t nakatutok ang Philippine Embassy sa Russia at ang Department Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon sa nasabing bansa. Subalit hinihikayat pa rin ni Magsino ang pamahalaan ng Pilipinas na maglatag ng mga precautionary at proactive measures.

Bilang panghuli, tiniyak din ni Magsino sa mga OFWs sa Russia na patuloy na tututukan at aantabayanan ng OFW Party List Group ang sitwasyon sa Russia kasabay ng pag-aalay nito ng panalangin para sa kanila (OFWs).