Calendar

OFW Party List hiniling sa Korte Suprema na maglabas ng TRO
NAGHAIN ng petisyon ang OFW Party List sa Korte Suprema sa pamamagitan ng “Petition for Certiorari with Prayers” para sa agarang pagpapalabas ng Mataas na Hukuman ng Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay sa pagkabigo ng nasabing Party List group na makakuha ng puwesto sa Kamara de Representantes hinggil sa nakalipas na 2025 mid-term elections.
Sa isinagawang press conference sa Maynila, hinihiling din ng OFW Party List sa Commission on Elections (COMELEC) en banc na maglabas ng cease and desist para sa National Board of Canvassers (NBOC) upang pigilan itong mailabas ang kanilang Resolution No. 14-25 na iprinoklama nilang noong nakaraang May 18, 2025 pagkatapos ng halalan.
Binigyang diin ng OFW Party List sa kanilang petisyon ang ipinapalagay nilang “fundamental distortion” ng party list system na original na kumakatawan sa mga marginalized sectors na walang boses at walang kakayahan umanong mailahad ang kanilang mga karaingan.
Nakapaloob sa naturang petisyon ang kahilingan ng OFW Party List na maglabas ang Mataas na Hukuman ng TRO laban sa NBOC Resolution No. 14-25 na nagbibigay ng 63 upuan o puwesto para sa mga nanalong Party List group kaugnay sa papasok ng 20th Congress.
Kaugnay din nito, hinihiling din ng grupo ang kabuuang pagrerepaso at computation para sa seat allocation ng mga mauupong Party Lists.
“This is no longer about procedure. It’s about preserving the integrity of a system designated to uplift the marginalized. What we’re witnessing is a systematic shift that undermines the principles behind the party list mechanism. The voice of our Overseas Filipino Workers amd seafarers, the pillars of our economy and vital threads in our social fabric were unfairly silenced by the inequitable seat allocations,” wika ni Magsino sa press conference.