OFW

OFW Party List namahagi ng pera ayuda sa pamilya ng mga OFWs sa Oriental Mindoro

Mario E. Bautista Jun 14, 2024
134 Views

OFW1OFW2๐—•๐—”๐—š๐—”๐— ๐—”’๐—ง ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€, ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ฎ๐˜€๐—ต ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐—ข๐—™๐—ช๐˜€) ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜-๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ, ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ.

Sinabi ni Magsino na sinasamantala nito ang pagkakataon habang naka-break ang session ng Kongreso para matulungan ang naiwang pamilya ng mga OFWs habang sila naman ay kumakayod at nagbabanat ng buto o nagta-trabaho sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ayon kay Magsino, nililibot nila ang iba’t-ibang lalawigan sa bansa para maghatid ng serbisyo at tulong para sa pamilya ng mga OFWs kaagapay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sabi ni Magsino na maraming OFWs ang labis na nagpapasalamat dahil sa ipinagkakaloob nilang tulong. Isa itong malaking kaginhawahan para sa kanila sapagkat napapanatag aniya ang kalooban ng mga OFWs na bagama’t sila’y nasa ibang bansa ay nakakaasa naman sila na may umaalalay sa naiwan nilang pamilya sa Pilipinas.

“Maraming OFWs ang nakaka-appreciate ng ating mga ginagawang pagtulong sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Iyan naman talaga ang advocasy ng OFW Party List ang makatulong, hindi lamang para sa mga OFWs kundi pati narin sa kanilang pamilya,” wika ni Magsino.

Idinagdag pa ng kongresista na 567 benepisyaryo o OFW families sa nasabing lalawigan ang kanilang natulungan at inaasahan na marami pang pamilya ng mga OFWs ang napagkakalooban nila ng tulong.

Kaugnay sa naging pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas noong June 12, sinabi ni Magsino na dapat ipagpatuloy ang pagmamatyag sa kalayaan ng bansa.

“Tayo’y nagbibigay pugay sa ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay para sa ating kasarinlan. Maging sa mga bayani ng ating makabagong panahon. Ipagpatuloy natin ang pagmamatyag para sa kalayaan ng ating bansa,” sabi pa ni Magsino.