Calendar

OFW Party List optimistiko makakaupo sa 20th Congress
OPTIMISTIKO si OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino na magiging mabilis ang pagdinig ng Korte Suprema sa inihain nilang election protest tungkol sa pagkabigo nilang makakuha ng upuan sa papasok pa lamang na 20th Congress.
Sa panayam ng People’s Taliba, umaasa si Magsino na makakakuha pa rin ang OFW Party List group kahit na isang upuan sa ilalim ng 20th Congress sa oamamagitan ng mabilis na pagresolba ng Mataas na Hukuman sa isinampa nilang reklamo.
Gayunman, sabi pa ni Magsino na bagama’t siya’y optimistiko patungkol sa kanilang kaso, aminado ang mambabatas na walang kasiguraduhan kung magagawa nilang maka-upo o maka-puwesto sa pagpasok ng bagong batch ng mga kongresista.
“Alam mo naman, wala tayong kasiguraduhan pero ang hope natin ay malakas. Ang ating pag-asa ay hindi dapat mawala at alam ko naman na alam ng mga kasamahan na maski sila ay nagulat na anong nangyari. Alam naman nila na naging very active tayo sa 19th Congress,” wika nito.
Idinagdag pa ng kongresista na: “Naniniwala ako na God is so good na alam ko naman gagawa siya ng paraan. Hopefully ay makapasok parin tayo sa 20th Congress, hindi man agad-agad pero at the right time. Malay natin baka bagio matapos ang 20th Congress”.
Pagbibigay diin pa ni Magsino na ang pinagbabatayan ng kanilang election protest sa Korte Suprema ay legal at constitutional.