Calendar

OFW Party List sinuyo suporta ng mga mamamayan ng San Mateo
SAN MATEO, RIZAL – TULOY-TULOY ang campaign sortie ng OFW Party List Group matapos pangunahan ni Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang pangliligaw nito sa suporta ng libo-libong mamamayan ng lalawigan para sa darating May mid-term elections.
Sa kaniyang naging mensahe, inilatag ni Magsino ang kaniyang mga programa at adbokasiya para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sakaling muli siyang papalarin na maupo bilang kinatawan ng nasabing sektor sa Kamara de Representantes.
Nabatid kay Magsino na gaya ng naganap sa paglulunsad nito ng kaniyang “kick-off” campaign rally sa lalawigan ng Batangas at Cavite. Nakipag-pulong din ito sa iba’t-ibang sektor sa San Mateo upang mapakinggan ang kanilang boses at karaingan.
Muling tiniyak ng kongresista na sakaling muli siyang mabigyan ng pagkakataon na kumatawan sa mga OFWs sa Kongreso matapos ang pagdaraos ng eleksiyon sa Mayo. Ang kaniyang unang “order of business” ay ang pagbabalangkas ng panukalang batas at mga programa na makakatulong sa mga mamamayan.
Sinabi ni Magsino na gagawin nitong priority bilang mambabatas ang pagbabalangkas o pagsusulong ng mga programa at polisiya na malaki ang maitutulong sa kalagayan ng mga Pilipino na inaasahang makakatugon sa kanilang mga pangangailangan.
“Sa darating na halalan. Nawa’y muli nating suportahan ang tunay na sandigan at kakampi ng mga OFW at kanilanh pamilya upang tuloy-tuloy ang ating paglilingkod sa ating mga kababayan. Ipagpapatuloy natin ang ating serbisyo para sa ating mga kababayan,” sabi ni Magsino.
Samantala, isang mainit na pagsalubong ang natanggap ni Magsino noong nakalipas na Pebrero 13 sa Santo Tomas, Batangas kasama si Engineer Noli Sanchez kabilang na ang libo-libong Batanggenyo kasunod ng pagpapahayag nila ng suporta para sa OFW Party List.