OFW remittance tumaas

194 Views

BAHAGYANG tumaas ang remittance na ipinadala ng mga overseas Filipino worker sa bansa noong Mayo kumpara noong Abril ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang cash remittance na idinaan sa mga bangko at iba pang formal channel noong Mayo ay naitala sa $2.494 bilyon mas mataas sa $2.485 bilyon noong Abril.

Mas mataas din ang koleksyon noong Mayo sa $2.424 bilyon na naitala sa kaparehong buwan noong 2022.

Sa Estados Unidos galing ang pinakamalaking bahagi ng remittance na naitala sa 41 porsyento.

Sinundan ito ng Singapore (7.1 porsyento), Saudi Arabia (6.0 porsyento), Japan (5.1 porsyento), at United Kingdom (4.7 porsyento).