Magsino

OFWs sa South Korea malaki ang ambag sa ekonomiya ng Pilipinas – Magsino

Mar Rodriguez Jun 10, 2024
130 Views

Magsino1Magsino2Magsino3𝗧𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗻𝗮𝘀𝗮 $𝟴𝟯𝟰.𝟳𝟰 𝗺𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝗮𝗮𝗺𝗯𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝟯𝟰,𝟭𝟰𝟯 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀) 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗿𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮-𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗞𝗼𝗿𝗲𝗮 𝘀𝗮 𝗲𝗸𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀.

Ito ang nilalaman ng speech na ipinaabot ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino patungkol sa “Pistang Pinoy 2024” na ginanap sa South Korea kaugnay sa ika-126th Philippine Independence kabilang na dito ang 29th National Migrant Workers Day at 75th Philippine-Korean Diplomatic Relations na idinaos sa Bussan, South Korea.

Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Magsino ang napakahalagang papel o “crucial role” na ginagampanan ng mga OFWs sa South Korea sa pamamagitan ng pagpapanatili nila sa katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas bunsod ng kanilang malaking kontribusyon sa kabayan ng bansa sa pamamaraan ng ipinadala nilang remiitances.

Sinabi ni Magsino na sa kasalukuyan, tinatayang 67,000 Filipinos ang naninirahan sa South Korea habang nasa 34,154 naman ang nagta-trabaho dito bilang mga OFWs kung saan $834.74 million ang kanilang ipinapadalang remittance sa Pilipinas na isang napakalaking ambag para sa ekonomiya ng Pilipinas.

Bukod dito, sabi pa ni Magsino na ang mga OFWs sa nasabing bansa ang nagsisilbi din bilang “ambassadors of goodwill” upang lalo pang mapalakas at mapa-igting ang relasyon ng Pilipinas at South Korea.

Ibinahagi din ng OFW Lady solon na nakatakda siyang maghain ng resolution sa Kamara de Representantes sa pamamagitan ng House Resolution No. 1343 para maproteksiyunan ang mga Pinoy seasonal farm workers sa ilalim ng Seasonal Workers Program (SWP) o isang kasunduan na binalangkas sa pagitan ng Local Government Units (LGUs) ng Pilipinas at LGUs ng Korea.

Ayon kay Magsino, sa kasalukuyan ay mayroon na silang nabuong “interim guidelines” sa tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) para tiyakin na mapapangalagaan ang mga SWP workers.

Tiniyak din ng kongresista sa mgamga OFWs sa South Korea na patuloy itong makikipag-ugnayan sa gobyerno ng nasabing bansa para masiguro na nabibigyan ng proteksiyon at napapangalagaan ang mga OFWs sa South Korea.