Ogie

Ogie binigyan ng pang-shopping BINI sa US

Vinia Vivar Oct 26, 2024
56 Views

Ang bongga naman ni Ogie Alcasid dahil ipinag-shopping niya ang BINI sa Los Angeles, California kamakailan.

Kwento ni Ogie sa mediacon ng upcoming concert niyang “OgieOke 2 Reimagined,” kung saan ay isa sa guests niya ang BINI, noon pa man ay natutuwa na siya sa nasabing girl group at masaya siya na nasaksihan niya ang pagsikat ng mga ito.

Kung paano niya napapayag ang grupo at ang Star Magic na mag-guest ito sa kanyang concert, kwento ni Ogie, “Actually, mayroon kaming collab na gagawin. It’s titled ‘Sige, Galaw, Galaw.’ Dapat ire-record na namin nitong November, pero hindi natuloy kasi nga, bigla silang nag-concert sa Araneta. So, medyo busy sila.”

Patuloy niya, “So, nakiusap sila na kung pwede ba na next year na namin i-record ‘yung collab. Sabi ko, walang problema.”

Next scenario ay nagkita sila sa Los Angeles for “ASAP” at biniro niya ang mga ito ng “gusto n’yong mag-shopping?”

Siyempre, oo lahat ang girls at nagsigawan pa nga raw. Kaya binigyan niya sila ng pang-shopping.

“Natutuwa lang kasi ako sa mga batang ‘yan and I’ve always been a supporter of them. So their success is something that I’m blessed to see, to witness. So, natuwa lang ako. Parang regalo ko lang sa kanila ‘yun,” sey ni Ogie.

“Nu’ng tinanong ko kung pwede ba silang mag-guest (sa ‘OgieOke 2’), walang kaabog-abog, ‘of course, we’ll adjust to your schedule,’” kwento ng OPM singer.

Napakadali nga raw kausap ng handlers at management ng BINI kaya sobrang thankful niya.

“In fairness to them, hindi sila sumingil sa akin. Parang ang sabi sa akin, ‘bahala na kayo,’” aniya.

“Baka ‘yung pang-shopping (na binigay) ko, ‘yun na ‘yun,” biro pa ni Ogie.

“But no, of course, we allotted talent fee for them,” sey niya.

Asked kung saan niya ipinag-shopping ang BINI girls, sey ni Ogie, “I think, nag-Sephora (beauty and cosmetic shop) yata sila. Mahilig pala talaga sila sa make-up.”

Kakantahin ng BINI sa concert ni Ogie ang hit song nilang “Salamin, Salamin” at magdu-duet sila ng “Dito sa Puso Mo.”

Ogie also revealed na magdu-duet din sila ni BINI Maloy ng bagong version ng “Hanggang Ngayon.”

Bukod sa collab nila, ang isa pang bagong makikita sa “OgieOke 2 Reimagined” ay ang mga bagong arrangement ng kanyang hit songs.

“I’ll be singing mostly reimagined version of my songs. Marami akong ni-ready na mga bagong arragement,” aniya.

Uulitin din niya ang performance niya sa “Magpasikat 2024” kung saan ay tumugtog siya ng piano while singing.

“OgieOke 2 Reimagined” will take place on Nov. 30 at the Newport Performing Arts Theater.

Aside from BINI, guests din niya sina JM dela Cerna at Marielle Montellano. Ididirehe ito ni Paolo Bustamante at musical director naman si Bobby Velasco.