Marian

Olivia nag-hi kay Zia

Vinia Vivar Oct 7, 2024
5 Views

Super happy si Marian Rivera na makitang nag-e-enjoy ang anak niyang si Zia habang nanonood ng concert ni Olivia Rodrigo na ginanap last October 5 sa Philippine Arena.

Big fan pala si Zia ng nasabing sikat na Filifino-American singer/songwriter kaya naman hindi nila pinalampas ang “Guts” world tour nito sa Pilipinas.

Siyempre, sinamahan ni Marian ang anak sa panonood at sa kanyang Instagram account ay may short video kung saan ay kitang-kita ang happiness ni Zia habang pinapanood ang performance ng kanyang idolo.

Ang pinaka-bonggang pangyayari ay nang mapansin mismo ni Olivia si Zia na nakatayo sa kanyang seat at pagkatapos ay nag-hi siya sa bagets.

Priceless ang reaction ni Zia sa pag-hi sa kanya ni Olivia. Masayang sabi niya sa nanay niya, “mommy, she said ‘hi’ to me.”

Caption ni Marian sa video, “Kung saan ka masaya, Anak , nandito lang kami para suportahan ka! We love you! @oliviarodrigo Salamat pinasaya mo si Ate Zia.”

Pati nga ang mga netizen ay masaya rin for Zia at pinuri nila ang pagiging supportive mom ni Marian sa fan-girling moment ng anak.