Ople

One-strike policy laban sa recruitment agency ipatutupad ng DMW

181 Views

IPATUTUPAD ng Department of Migrant Workers (DMW) ang one-strike policy laban sa mga recruitment agency na nagpapadala ng land-based na manggagawa.

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople minabuti nito na baguhin ang ipinatutupad na three-strike policy laban sa mga lumalabag na recruitment agency.

Naglabas din si Ople ng listahan ng mga paglabag para mas madaling matukoy kung may nilabag ang isang recruitment agency.

Nilagdaan din ng kalihim ang isang department circular para sa DMW Rules and Regulations Governing the Recruitment and Employment of Land-based OFWs.

Layunin umano ng mga pagbabago na mas maprotektahan ang mga OFW.

Kakanselahin umano ang lisensya ng mga makagagawa ng serious offense samantalang anim na buwan hanggang isang taong suspensyon naman sa mga makagagawa ng less serious offense. Isa hanggang anim na buwang suspensyon naman para sa mga makagagawa ng light offenses.

Ang validity period naman ng provisional licenses ay pinalawig sa tatlong taon mula sa dalawa. Ang validity naman ng regular license ay ginawang anim na taon mula sa apat na taon.