Martin1

‘One-strike policy’ para sa tax collectors na hindi makaabot sa target revenue, imumungkahi ni Speaker Romualdez kay Pang. Marcos

163 Views

IMUMUNGKAHI ni House Speaker at Leyte Representative Ferdinand Martin G. Romualdez kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. na magpairal ng ‘one-strike policy’ sa mga kolektor ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na hindi makakaabot sa kanilang target revenues.

“I will recommend to President Marcos a one-strike policy against collectors who will miss their target revenues,” pahayag pa ni Speaker Romualdez.

Ipinaliwanag ng House Speaker na mahalagang maabot ang target na makolektang buwis upang mapondohan ang mga programa ng gobyerno, kabilang na ang pagbibigay ng subsidiya sa mga nangangailangang sektor, tulong pinansyal sa mga mahihirap na pasyente, mag-aaral at pagpapatupad ng mga proyekto na makalilikha ng dagdag na mapapasukang trabaho.

“The one strike-strike policy is a key step towards achieving our revenue goals. Kailangan natin ang dagdag na pondo para sa mga ayuda, libreng pang-ospital, edukasyon, transportasyon, paglikha ng mga trabaho sa pamamagitan ng infrastructure projects at iba pang mga programa na makakatulong sa taong-bayan,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi rin ng lider ng Kamara na dahil inaasahan na ang makokolektang buwis ay nakokompormiso ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng gobyerno kapag hindi naaabot ang target na makolekta.

Dagdag pa niya, upang matugunan ang problema, makabubuti kung tatanggalin na sa puwesto ang mga hindi makakaabot ng target upang mapalitan ng mga indibidwal na makagagawa nito.

“Let us help the government meet its revenue targets. I hope our call will send a clear message for our collectors to perform at the highest level,” anang House Speaker.

“Taxes are the lifeblood of government in the implementation of pro-poor programs designed to alleviate poverty and reduce inequality. It is of vital importance in the government’s effort to provide access to better education, healthcare, and social protection programs,” ani Speaker Romualdez.

Sa panig ng Kamara de Representantes, sinabi ni Romualdez na gagamitin nito ang oversight power upang matiyak na tama ang ginagawa ng iba’t ibang departamento at ahensya sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa ilalim ng kani-kanilang mandato.

“We will monitor and evaluate the performance of government agencies. The House of Representatives is committed to working with the government to ensure stable finances for the sustained and efficient implementation of various important projects,” ani Speaker Romualdez.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na matiyak ng Kongreso na tama ang ginagawang paggamit ng mga ahensya at departamento sa pondo na ibinigay para sa kanilang ipatutupad na programa.

“It is important to improve the absorptive capacity of all government agencies in the implementation of vital programs,” wika pa ni Speaker Romualdez na siya ring pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats.