NHA

Online mas madaling sistema ng pagbabayad–NHA

Jun I Legaspi Jan 26, 2026
160 Views

PINAPAALALA ng National Housing Authority (NHA) ang iba’t-ibang payment options para sa mga housing beneficiaries upang makatulong sa pagbabayad ng buwanang amortisasyon.

Sinabi ng NHA na accessible na ang pagbabayad ng amortisasyon sa NHA sa pamamagitan ng GCash at ECPay application system.

Ito’y mas napadali at napasimple ang sistema para sa mga pamilyang benepisyaryo ng pabahay.

Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na layunin ng NHA na palakasin ang payment network sa pamamagitan ng pagdaragdag ng higit pang mga alternatibo sa pagbabayad na bahagi ng NHA Online Payment Gateways (OPG).

Iginiit ni Tai na may umiiral ng partnerships ang NHA sa mga major e-payment services at applications tulad ng Maya Philippines, Green Apple Technologies & Systems, Inc., ESP Collection Agency, Link.BizPortal, at iba pang mga over-the-counter partners tulad ng Bayad Center at 7-Eleven.

Ang gawaing ito ay naaayon sa mga hakbangin ng pamahalaan sa pagpapabuti ng mga transaksyon at proseso na nakabalangkas sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Sa kaugnay na balita, pinaalalahanan ng NHA ang mga housing beneficiaries na nag-avail ‘Condonation 7’ program na pag-ibayuhin ang pagsunod sa skedyul ng buwanang hulog upang maiwasan ang penalties at interests at tuluyang makinabang sa benepisyo ng programa. Nagtapos ang ‘Condonation 7’ noong Disyembre 2025.