Operasyon ng Air Traffic Management Center ng NAIA balik normal na

226 Views

BALIK na sa normal ang operasyon ng Air Traffic Management Center (ATMC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Department of Transportation naibalik sa normal ng operasyon hapon ng Linggo matapos na magkaroon ng power outage sa ATMC.

“At around 9:49AM local time, the Air Traffic Management Center (ATMC) which serves as the facility for controlling and overseeing all inbound and outbound flights and overflights within the Philippine airspace, went down due to power outage, resulting to loss of communication, radio, radar, and internet,” sabi ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista.

Sinabi ni Bautista na gumawa ng mga hakbang ang DOTr, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Manila International Airport Authority (MIAA), upang matulungan ang mga apektadong pasahero.

“The primary cause identified was a problem with the power supply and the degraded uninterrupted power supply which had no link to the commercial power and had to be connected to the latter manually. The secondary problem was the power surge due to the power outage which affected the equipment,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon kay Bautista, nagkaroon ng partial operation alas-4 ng hapon at alas-5 ng hapon ay nagbalik na sa normal ang operasyon.

Sinabi ni Bautista na inabisuhan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pangyayari.