Opisyal ng US makikipagpulong kay PBBM

172 Views

DARATING sa bansa ang isang mataas na opisyal ng Estados Unidos upang makipagpulong kay President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Bukod kay Marcos makikipagpulong din si US Deputy Secretary of State Wendy Sherman sa mga opisyal ng paparating at papaalis na administrasyon bilang pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Amerika.

Nabatid na bukod sa Pilipinas ay pupunta rin si Sherman sa Republic of Korea (ROK), Vietnam, at Laos mula Hunyo 5 hanggang 14.

Dadalo rin si Sherman sa pagpupulong ng mga negosyante at sa pagdiriwang ng World Oceans Day.