Dolor

OrMin nagsuspinde ng klase

377 Views

KANSELADO ang pasok sa lahat ng antas sa pribado o pampublikong paaralan sa Biyernes sa Oriental Mindoro dahil sa inaasahang pagbira ng bagyong Opong.

Nanawagan ang lalawigan sa publiko na subaybayan ang mga susunod na ulat mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Pinaalalahanan din ang lahat ng nasa mga delikadong lugar na lumikas para maiwasan ang masamang epekto ng bagyo.

Tututok at nakaalerto ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) katuwang ang mga Municipal/City Disaster Risk Reduction Management Offices ng lalawigan sa lahat ng oras.

Para sa mga biyahero, mas makakabuting ipagpaliban o mas agahan ang pagluwas upang maiwasang ma-stranded sa kalsada. Ni HELEN PRADO at JOJO CESAR MAGSOMBOL