Calendar
Kinilala ni PBGen.Arnold Thomas Ibay Regional Director ng Negros Island Region ang nahuling suspek sa kasong murder sa Bacolod City.
Lolo na wanted sa pagpatay huli sa Bacolod City
ARESTADO ng mga operatiba ng Murcia Municipal Police Station ng Negros Occidental Police Province ang isang 62-anyos na lolo dahil sa kaso nitong dalawang bilang ng murder, matapos maispatan sa kahabaan ng Glenwood Subd, Barangay Estefania, Bacolod City.
Kinilala ni Police Brig.General Arnold Thomas Ibay Regional Director ng Negros Island Region ang naarestong suspek na si alyas “Tinglo”, may asawa, caretaker, at residente ng Sitio Esperanza, Barangay Talotog, Murcia, Negros Occidental..
Ayon sa ulat ng tracker team ng Murcia MPS sa pangunguna ni PCapt. Honey G Labaro, Acting Chief Of Police,nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation laban sa MWP na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu at nilagdaan noong Setyembre 1, 2025 ni Judge Amcel Leyte Mercader, ng 6th Judicial Region, RTC Br 48 Bacolod City, Negros Occidental,
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ipinaalam sa suspek ang kanyang Miranda Rights.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Murcia MPS para sa tamang disposisyon.

