Calendar
Bataan cop chief napuri
BALANGA CITY, Bataan–Binigyan ng Medalya ng Kapayapaan si P/Col. Marites Salvadora, hepe ng pulis ng lalawigang ito, dahil sa ipinamalas na katapangan.
Mismong si B/Gen. Jess Mendez, Central Luzon police director, ang nagbigay ng medalya kay Col. Salvadora matapos mapasuko ang dalawang suspek sa hostage incident sa Bataan.
“Ang tapang talaga ni Col. Marites Salvadora dahil siya mismo ang nagpapasuko sa mga nangho-hostage na armadong suspek,” ani Dr. Ruby Santos-Matibag, presidente ng Bataan Peninsula State University.
Iang armadong suspek na lalaki ang nanghostage sa kanyang dating ka live in sa Bilolo, Orion.
Nang malaman ito ni Col. Salvadora ay agad siyang sumugod sa area, at mapayapa niyang napasuko ang suspek na armado ng dalawang patalim.
Nauna nito, isang pulis ang nang hostage sa staff ng isang 7/11 matapos niyang mabaril ang isang security guard.
Sumugod si Col. Salvadora sa lugar ng insidente at pinasok niyang mag isa ang armadong pulis hanggang sa mapasuko ito ng mapayapa.
“Binibigay ko ‘tong bullet proof vest ko kay Mam Salvadora pero ayaw niyang isuot; kinabahan kami ng husto,” ani Major John Rhey Cutab, hepe ng pulis ng Abucay.
Graduate sa PNPA class 2000, black belter sa karate at sharp sharpshooter ang babaeng hepe ng pulis.
