Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Laguna mahusay gumamit ng pondo, kinilala ng COA

Gil Aman Jun 1, 2026
22 Views

PROUD si Laguna Gov. Sol Aragones sa pagkilala ng Commission on Audit (COA) sa maayos at transparent na paggamit ng pondo ng probinsiya.

Ayon sa COA, malinaw na naipakita sa audit na maayos ang pagtatala ng mga transaksyon, kumpleto ang mga dokumento at sumusunod sa mga itinakdang pamantayan sa accounting at auditing ang pamahalaang panlalawigan.

Naktanggap ang Laguna ng Unqualified Opinion na nangangahulugang maaasahan at wasto ang mga financial statement ng lalawigan at walang natukoy na anumang iregularidad.

Ipinapakita rin ng pagkilalang ito ang matibay na pagpapatupad ng transparency, accountability at responsableng pamamahala sa pananalapi ng pamahalaang panlalawigan.

Inaasahan ding higit pang mapapalakas ng positibong resulta ng audit ang tiwala ng publiko habang isinusulong ng Laguna ang 2026 Supplemental Budget na nakatuon sa pagpapalawak ng mga pangunahing serbisyo, pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.