Calendar
Nagtatag ng Gawad Kalinga inaresto sa Bulacan
ANGAT, Bulacan–Inaresto ang Gawad Kalinga founder na nakilala sa alyas Mel noong Biyernes dahil sa two counts ng qualified trafficking in persons sa Enchanted Farm sa Brgy. Encanto, Angat, Bulacan.
Sa report kay PRO-3 director Brig. Gen. Jess Mendez, sinabi ng opisyal na inaresto ang suspek na 76-anyos ng mga miyembro ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company.
Kilala ang naaresto bilang founder ng tanyag na poverty alleviation and community development organization na Gawad Kalinga.
Akusado siya ng paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), RA 10364 at RA 11862.
Dinala ang suspek sa Bulacan police office para sa documentation at processing.
Ang Anti-Trafficking in Persons Act ang pagre-recruit, transportation, transfer, harboring o pagtanggap ng sinumang tao na may kasamang coercion, deception at abuse of power.

