Keso

Sta. Cruz naglunsad ng Kesong Puti fest

Gil Aman Jun 1, 2026
24 Views

IPINAGDIWANG ang kapistahan at pagsasagawa ng Kesong Puti festival noong Linggo sa Sta Cruz, Laguna.

Ayon kay Sta. Cruz, Laguna Mayor Benjo Agarao, nagparada ng 13 kalabaw na pinagkukunan ng kesong puti sa bayan sa araw ng pista.

Naging panauhin si Laguna Gov. Sol Aragones na magbibigay din ng malakas na agos ng suporta upang palakasin ang produkto ng keso at upang makahikayat ang mga turistang dumayo sa bayan.

Kinakailangan na huwag hayaan mamatay ang paggawa ng produktong keso na nag uumpisa sa Sta. Cruz.

Target sa mga programa ng lugar ang paglalagay ng produkto sa ang mga pangunahing hotel sa lalawigan.

Ayon kay Mayor Agarao, nasa tamang timpla ang lasa ng keso dahil sa malambot at kaunting alat na masarap na palaman sa tinapay.

May schedule din na dalhin ang kesong puti sa Thera Madre, Italy at kinakailangan ang masusing proseso sa pagbiyahe nito.