Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Nation
OTS chief nagsampa ng kaso vs nagnakaw na SSOs
Jun I Legaspi
Jun 20, 2026
104
Views
NAGHAIN ng kasong kriminal sa Ombudsman laban sa mga Security Screening Officers (SSOs) na nahuling nagnakaw sa banyagang pasahero ang Office for Transportation Security (OTS) sa pamumuno ni Administrator Gilberto DC Cruz at Deputy Administrator Atty. Carlo Bala.
Binigyang-diin ni Cruz ang pananagutan ng lahat ng kawani ng OTS sa paglilingkod sa publiko.
Tungkulin ng bawat empleyado na maghatid ng serbisyo ng may integridad at tiyakin na ang bawat pasahero sa ating paliparan ay ligtas, iginagalang at may kapanatagan.
Binalaan ang sinumang OTS personnel na masasangkot sa krimen habang nasa tungkulin.
Ang hakbang na ito ay patunay ng matibay na komitment ng OTS na isulong ang transparency, accountability at tiwala ng publiko.

