Xray

OTS chief sinuri x-ray screening machines sa NAIA 3

Jun I Legaspi Feb 28, 2026
378 Views

SINURI ng hepe ng Office for Transportation Security (OTS) ang mga x-ray screening machines na nakatakdang lagyan ng mga shielding mechanisms sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakailan.

Layunin ng proteksyon na maiwasan ang mga pasahero sa pagkuha ng kanilang bagahe mula sa x-ray conveyor system bago pa matapos ang proseso ng seguridad at inspeksyon.

Ang hakbang na ito, ayon kay OTS Administrator Gilbert Cruz, ay kabilang sa mga corrective measures na ipinatupad ng OTS matapos ang insidente ng pasaherong may dalang patalim sa Iloilo International Airport noong Enero 2026.

Binigyang-diin ni Usec. Cruz na ang pagpapahusay na ito ay naglalayong palakasin ang mahigpit na pagsunod sa standard operating procedures, alisin ang mga kahinaan sa seguridad at tiyakin ang integridad ng screening process alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.