Sara

OVP, DOLE namigay ng P9.3M ayuda sa TUPAD beneficiaries sa Bacolod

181 Views

NAGTULONG ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamahagi ng P9.307 milyong tulong para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Bacolod City.

Nasa 1,898 manggagawa na pawang maliit ang sahod ang nakatanggap ng P4,500 tulong.

Ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay binibigyan ng pansamantalang trabaho na tumagal ng 10 araw. Nagkakahalaga ng P450 ang kanilang arawang sahod.

Sa isang video message ay kinilala ni Vice President Sara Duterte ang sakripisyo ng mga manggagawa hindi lamang para sa kapakanan ng kanilang pamilya kundi maging ng bansa.

“We continue to highlight the importance of your welfare as you are one of the most important foundations of nation-building. Your progress and success contribute to a more dynamic economy and reflect the outcome of our vision of uplifted lives for the Filipino people,” ani Duterte.

“Salamat sa lahat ng ating manggagawang Pilipino. Kasama ninyo kaming naninindigan sa pag-asang matupad natin ang ating pangarap na isang progresibo, inklusibo at matatag na Pilipinas,” dagdag pa nito.

Ang TUPAD ay programa para sa mga natanggal sa trabaho at seasonal workers.