Atty. Falconi

OWWA Region 3 nagsagawa ng stress management intervention para sa OFWs

Mar Rodriguez Sep 6, 2023
175 Views

OWWA OWWA OWWANAGSAGAWA ng Psychosocial Counselling and Stress Management Intervention ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito na si Atty. Falconi “Ace” V. Millar para sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) o mga Migrant workers.

Nabatid ng People’s Taliba kay Atty. Millar na nagdaos ang kanilang tanggapan, OWWA Region 3, ng Psychosocial Counselling and Stress Management Intervention sa pakikipag-tulungan nito sa team of facilitators ng Mariveles Mental Wellness and General Hospital para tulungan ang mga distressed OFWs.

Sinabi ni Millar na nasa 34 distressed OFWs mula sa lalawigan ng Tarlac ang dumalo sa ika-lima o limang beses na pagdaraos ng PCSMI na ginanap naman sa Widus Hotel na nagsimula noong nakaraang September 4, 2023 upang tulungan ang mga OFWs mula sa kanilang pinagdadaanang problema.

Aminado si Millar na napaka-hirap ng kalagayan ng mga OFWs sapagkat ang ilan sa kanila ay sumasailalim o dumadaan sa napaka-bigat ng suliranin kabilang na dito ang labis na kalungkutan dahil sila ay nasa malayong lugar. Habang ang iba naman ay nakakaranas ng pagmamalupit mula sa kanilang amo.

Gayunman, tiniyak ni Millar na nakahanda ang OWWA Region 3 na umagapay sa mga OFWs na kasalukuyang distressed o dumadaan sa matinding suliranin sa pamamagitan ng mga ganitong seminar at workshop na naglalayong maibsan ang kanilang pinagdadaang problema.

Nauna rito, inilulunsad ng OWWA Region 3 ang “Psychological Counselling and Stress Management Intervention para maibsan ang anomang problem ana pinagdadaanan ng kanilang mga empleyado kabilang na dito ang mga OFWs.

Naniniwala si Millar na malaki ang maitututlong ng pagsasagawa nila ng seminar para maibsan ang stress at mga bagay na pinagdadaanan ng mga OWWA Region 3 employees at mga OFWs sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa at workshop na nakapaloob sa ilang araw na seminar.