OWWA

Millar puspusan mga inilulunsad na programa

Mar Rodriguez Sep 4, 2023
115 Views

Atty. Falconi Atty. Falconi Atty. Falconi Atty. FalconiPUSPUSAN at walang puknat ang mga inilulunsad na programa at proyekto ng Overseas Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito na si Atty. Falconi “Ace” V. Millar kabilang na dito ang “Psychological Counselling and Stress Management Intervention.

Sinabi ni Atty. Millar na layunin ng isinagawa nilang Psychological Counselling and Stress Management Intervention na maibsan ang anomang problem ana pinagdadaanan ng kanilang mga empleyado kabilang na dito ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) o Migrant workers.

Naniniwala si Millar na malaki ang maitututlong ng pagsasagawa nila ng seminar para maibsan ang stress at mga bagay na pinagdadaanan ng mga OWWA Region 3 employees at mga OFWs sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa at workshop na nakapaloob sa ilang araw na seminar.

Tiniyak din ni Millar hindi lamang ang mga ganitong seminar ang kanilang ilulunsad o isasagawa sa darating na hinaharap. Bagkos, magkakaroon din umano sila ng iba pang mga proyektong kahalintulad nito.

Kabilang naman sa inilunsad na OWA Region 3 activity ay si Nueva Ecija Provincial PESO Manager Ms. Maria Luisa R. Pangilinan at nakatanggap naman ng OWWA Maharlika Certificate of Commendation si Governor Aurelio Umali kabilang na ang Provincial Government ng lalawigan dahil sa patuloy na suporta nito para sa OWWA Region 3 at sa mga OFWs na sakop nito.