Ogie Alcasid

P.3M premyo ng Team Ogie idodonate sa Angat Buhay Foundation

Vinia Vivar Oct 27, 2024
58 Views

Ang team ni Ogie Alcasid kasama sina Kim Chiu, MC at Lassy ang tinanghal na grand winner sa “Magpasikat 2024” na 15th anniversary presentation ng “It’s Showtime.”

Inanunsyo nitong Sabado ang mga winner na pinangunahan nga ng Fourtastic Combo. No. 2 naman ang team ni Vhong Navarro with Jackie and Cianne, third ang team ni Anne Curtis with Jugs and Teddy.

Naging emosyonal ang buong team ni Ogie, especially Kim, nang ianunsyo ang grand winner.

Nanalo ang grupo ng P300,000 na ido-donate nila sa Angat Buhay Foundation headed by former Vice President Leni Robredo.

Sa “Magpasikat” performance ng team last Tuesday, Ogie sang an original composition while playing the piano on a revolving platform.

Sina Lassy at MC naman ay nagpakita rin ng kanilang stunts.

Isa nga sa highlights ng performance ay ang buwis-buhay na trapeze act ni Kim habang kumakanta si Morisette ng “Isa Pang Araw.”

Makabuluhan din ang mensahe ng kanilang performance na “Tigil, Hinga, Kalma.”

Sa official Facebook page ni former VP Leni ay nagpasalamat siya sa grupo ni Ogie.

“Maraming salamat for your generosity, Kim Chiu, Ogie Alcasid, MC, Lassy and It’s Showtime Family,” sey ng dating VP.