P1.20/kilo sa LPG price ipinatupad

Edd Reyes Mar 1, 2025
13 Views

NAGPATUPAD ng P1.20 kada litrong bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kompanya ng langis noong Marso 1.

Sa anunsiyo ng Petron Corporation, nagtapyas ito ng P1.20 kada kilo ng LPG simula alas-12:01 ng madaling araw ng Marso 1 o katumbas ng P13.20 sa bawat 11-kilo na tangke.

Nagtapyas din ng P1.19 kada kilo ng LPG ang Solane epektibo alas-6:01 ng umaga noong Sabado na katumbas ng P13.09 kada tangke.

Ayon kay LPG Marketers Association president Arnel Ty, nagtapyas ang Saudi Aramco ng presyo ng cooking gas ng $20 o katumbas ng P11 kada tangke.