Lopez

P1.3B educational assistance naipamigay ng DSWD

179 Views

UMABOT na sa P1.3 bilyon ang educational assistance na naipamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap na estudyante.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez umabot sa 560,000 estudyante ang nabigyan ng ayuda, lagpas sa inaasahang 400,000.

Setyembre 24 ang huling araw ng pagbibigay ng educational aid ng DSWD.

Hanggang tatlong estudyante sa isang pamilya ang maaaring mabigyan ng cash assistance na nagkakahalaga ng P1,000 para sa elementarya, P2,000 sa high school, P3,000 sa senior high school, at P4,000 sa estudyante sa kolehiyo o vocational school.