Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
P1.63M shabu nakuha sa natiklong drug suspek
Bernard Galang
Sep 30, 2025
458
Views
CAMP OLIVAS–Isang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga ang naaresto at nakumpiska sa kanya ang tinatayang P1.63 milyong shabu sa Balanga City, Bataan noong Martes.
Inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balanga City police ang suspek sa Roman super highway sa Brgy. Tuyo at nasamsam ng mga awtoridad ang 240 gramo ng hinihinalang shabu, isang cellphone at ang buy-bust money.
Pinuri ni Brig. Gen. Rogelio Peñones, hepe ng Central Luzon police, ang kanyang mga tauhan sa pag-aresto sa suspek.
“Ang tagumpay na ito ay malinaw na mensahe na nananatiling walang humpay ang PRO3 sa pagtugis sa mga sumisira ng buhay at komunidad,” sabi ng heneral.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

