Parangal

Bayan sa Bataan pinarangalan ng BFAR

Christian Supnad Sep 30, 2025
160 Views

HERMOSA, Bataan–Tumanggap ng Gawad Pagkilala mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Hermosa noong Martes sa ambag at suporta nito para mapaunlad ang sektor ng pangisdaan.

Sinabi ni Mayor Ann Inton na ang pagkilalang bunga ng sama-samang adhikain at pagtutulungan upang pangalagaan at patatagin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Hermosa.

“Patunay po ito na ang ating bayan ay patuloy na nagsusulong ng mga programang makakabuti sa kabuhayan ng ating mga mangingisda at sa pangkalahatang kaunlaran ng ating komunidad,” sabi ng mayor.

Iginawad ni BFAR Regional Director Wilfredo Cruz kay Mayor Inton ang award kasama sina MAO Bing Mangulabnan, Municipal Aquaculturist Michelle Juliano at Atty. Bernard Odron.