BOC

P1.6M smuggled na yosi nasabat sa Zambo

287 Views

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southwestern Mindanao at Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P1.6 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City kahapon, Pebrero 6.

Nakatanggap ng ulat ang PCG mula sa Enforcement and Security Service at Customs Police Zamboanga City kaugnay ng isang trak na puno umano ng mga smuggled na sigarilyo.

Nasakote ng otoridad ang mga sigarilyo na nakatago sa mga sako na tinakpan ng Agar Agar seaweeds at daing. Ni MAR RODRIGUEZ