Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Source: File photo
Provincial
Bangkay ng nawawalang lalaki nakitang sunog, puro taga
Bernard Galang
May 8, 2025
457
Views
NATAGPUANG sunog at tadtad ng taga ang naiulat na nawawalang 73-anyos na lalaki sa Sitio Mamala, Brgy. Saint Francis I, Limay, Bataan.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ang biktima na si Ricardo Balmaceda.
Kinuwestiyon ng Orion police sa pangunguna ni Maj. Madtaib Jalman ang isang alyas Mario na malapit ang bahay sa pothole dump kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.
Umamin si Mario na nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo sa biktima at pagkatapos tinaga, sinunog at itinapon ang katawan ng biktima sa pothole dump.
Dinala ng mga pulis si alyas Mario at ang iba pang nasa loob ng bahay sa himpilan ng pulisya para tanungin habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa suspek.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

