Tulfo

P1,000 monthly maintenance para sa senior citizens isinulong ni Cong. Tulfo

Mar Rodriguez Nov 21, 2023
166 Views

ISINUSULONG ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Party List Cong. Erwin T. Tulfo sa Kamara de Representantes upang mabigyan ng P1,000 monthly maintenance ang mga Filipino senior citizens sa buong bansa.

Inihain ni Tulfo ang House Bill No. 9569 para magkaroon ng “monthly maintenance” ang mga senior citizens na pinamagatang “Providing Monthly Maintenance Medication Support Act for Senior Citizens” na inakda din nina Reps. Jocelyn Tulfo, Ralph Tulfo ng Quezon City at Edvic Yap ng Benguet Province.

Ipinaliwanag ni Tulfo (Erwin) na ang isinulong nilang panukalang batas ay bilang tugon sa tinatawag na “critical issues” na kinakaharap ng hanay ng mga senior citizens partikular na ang mga may-edad na kasalukuyang humaharap sa matitinding karamdaman o long =-term medical conditions.

“It acknowledges the fundamental importance of preserving and enhancing the health and well-being of senior citizens in our country,” sabi ni Tulfo.

Binigyang diin ng kongresista na ang isa sa malaking suliranin na kasalukuyang kinakaharap ng mga senior citizens ay ang pangangailangan sa pambili ng mga gamot o ang kanilang medical needs. Kabilang na dito ang kakapusan sa pambili ng kanilang mga gamot o financial crisis.

“By offering a monthly stipend of P1,000 for maintenance medications, this bill is designed to improve the quality of life of our senior citizens and ease the financial constraints the encounter. Making it more feasible for them to access the medications they require. It acknowledges that managing chronic disease should not be compromised due to economic limitations,” ayon pa kay Tulfo.