Calendar
P100M NTA tobacco grant sinimulan nang ipamahagi sa may 16,666 magsasaka
NAGSIMULA nang ipamahagi ng National Tobacco Administration (NTA) ang halagang P100 milyon na tobacco production grant sa may 16,666 na kwalipikadong magsasaka ng tabako sa buong bansa para sa cropping season 2024-2025.
Pinangunahan ni NTA Administrator at Chief Executive Officer (CEO) Belinda S. Sanchez ang pamimigay ng naturang grant sa Mindanao. Katuwang niya sina Deputy Administrator for Operations (DAOP) Nestor C. Casela at NTA – Ilocos Norte Manager Randy I. Abella sa pamamahagi sa mga bayan ng Gitagum at Laguindingan, parehong nasa Misamis Oriental province.
Para sa Mindanao, mayroong 1,666 magsasaka ang natukoy bilang recipient ng tig-P6,000 grant mula sa lalawigan ng Misamis Oriental, Agusan Del Sur, Zamboanga Sibugay, North Cotabato at Maguindano Del Sur, at Negros Oriental in Visayas. Tinuturing ang mga lalawigan na ito na nagpo-produce ng mataas na kalidad na native-type na tabako sa bahaging timog ng bansa.
Ani Sanchez, patuloy naman ang lahat ng tanggapan ng NTA sa Luon ang pamamahagi din ng cash grant sa mga kwalipikadong magsasaka. Ang mga recipient ay nanggagaling sa Abra – 992 magsasaka; Batac (Ilocos Norte) – 2,778 magsasaka; Cagayan – 700 magsasaka; Candon (Ilocos Sur) – 2,573 magsasaka; Isabela – 2,925; La Union – 1,667; Pangasinan – 1,765; at Vigan (Ilocos Sur) – 1,600.
Paliwanag pa ni Sanchez ang mga benepisaryo ay nararapat na rehistrado sa NTA na nagsasaka ng isang ektaryang tobacco farm para sa cropping years 2023-2024 at 2024-2025 at mas mababa sa isang ektaryang sakahan para sa mga magsasaka sa ilalim ng Tobacco Contract Growing System (TCGS) program ng NTA o non-TCGS farmers nagpapalaki ng tabako sa .5-ektarya lupa o mas mababa pa.
Nagpasalamat naman si Sonny Salvan, pangulo ng Federation of Gitagum Farmers Association in Misamis Oriental, sa NTA at sa pamahalaan sa pagbibigay sa kanila ng halagang P6,000 bilang tulong sa mga magsasaka ng tabako sa kanilang bayan.
“The cash subsidy will bring relief for our smallholder – tobacco farmers from the high prices of farm inputs,” ani Salvan, na kung saan ang grupo niya ay may 11 barangay farmers association sa Gitagum na may 389 na kwalipikadong magsasaka.