Distor

P11B halaga ng shabu sinira

147 Views

INIULAT ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasira na ang tinatayang P11 bilyong halaga ng shabu na narekober sa isang operasyon sa Infanta, Quezon noong Marso 15.

Ayon kay NBI Director Eric Distor sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iligal na droga noong Hunyo 2 alinsunod sa utos ng korte.

Sinaksihan umano ng mga tauhan ng NBI-Forensic Chemistry angpagsira sa iligal na droga na ginawa sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Trece Martires, Cavite.

Nagsagawa ng operasyon ang NBI katuwang ang pulisya sa Brgy. Comon, Infanta Quezon kung saan nakumpiska ang mga sinirang shabu at naaresto ang 10 indibidwal.