Girlalu shinoshomad mag-shoot
Aug 26, 2026
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
P136K na shabu nakuha sa 4 na suspek na tulak
Jojo Cesar Magsombol
Aug 31, 2025
299
Views
APAT na pinaghihinalaang tulak na may dalang P136,000 na halaga ng shabu ang naaresto ng mga tauhan ng Tanay police Station dakong alas-4:36 ng umaga noong Agosto 30 sa Catolos extension, Brgy. Kay-Buto, Tanay, Rizal.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Gary, 56; Nene, 53; Nikko; at Romeo, 53.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy-bust money at cellphone.
Dinala ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya sa Tanay police at isinumite sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga droga.
Mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa laban sa mga suspek.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

