PCSO

P16M kinobra ng mananaya sa Central Visayas

214 Views

ISANG mananaya sa Central Visayas ang kumobra ng P16 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola noong Marso 9, 2023.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isang buwan ang pinalipas ng nanalo bago nito kinuha ang kanyang premyo.

“Ilang beses ko tiningnan ang ticket ko dahil hindi ako makapaniwala. Sa oras na iyon, abot abot ang aking pasasalamat sa Diyos dahil sa blessings na ito, at sa PCSO dahil kung hindi sa lotto di po ako mananalo. Salamat po sa PCSO,” sabi ng nanalo.

Ang nanalo, na taga-Cebu City, ang nakakuha ng winning number combination na 06-18-26-29-17-11 sa naturang bola.

Plano nito na tulungan ang kanyang pamilya, magtayo ng negosyo, at magbigay sa kawang-gawa.

Alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20% buwis.