DBM

P1B ipinalabas para sa benepisyo ng health care workers

219 Views

NAGPALABAS ng P1.081 bilyon ang Department of Budget and Management (DBM) para sa ibibigay na sickness at death benefits ng mga public at private healthcare worker (HCW) at non-HCWs na nahawa ng COVID-19 habang nagtatrabaho.

“The identification of COVID-19 classification of eligible HCWs and non-HCWs shall be based on the criteria set by the health department under DBM-DOH Joint Circular No. 2022-0002,” sabi ng DBM.

Ayon sa DBM, ang mga nagkaroon ng mild at moderate COVID-19 infection ay makatatanggap ng P15,000.

Ang mga severe at critical COVID-19 ay bibigyan naman ng P100,000.

Ang mga pamilya naman ng mga HCW at non-HCW na pumanaw sanhi ng COVID-19 at makatatanggap ng P1 milyon.

Ang pondo ay kinuha sa regular na budget ng Department of Health (DOH) para ngayong taon.