PRAs hinimok na wag muna magpapadala ng OFW sa ME
Jun 19, 2025
Calendar

Provincial
P1M shabu nasamsam sa 2 ‘tulak’ sa Rizal
Jojo Cesar Magsombol
Jun 19, 2025
22
Views
DALAWANG suspek sa pangangalakal ng bawal na gamot ang naaresto na may pag-iingat na halos P1 milyon na halaga ng shabu sa buy-bust ng mga miyembro ng Rodriguez police dakong alas-8:40 ng gabi noong Hunyo 18 sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Otto, 35; at Totoy, 33.
Narekober sa dalawa ang 142 na gramo ng shabu na may halagang P965,600, buy-bust money, weighing scale, sling bag, isang Magnum .22 Black Widow pistol at apat na bala para sa cal .22.
Ang mga naarestong suspek ay nasa Rodriguez Custodial Facility at mahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
MASS OATH TAKING NG MGA OPISYAL MULA MARINDUQUE
Jun 19, 2025
Laguna walang pasok bilang pagpugay kay Jose Rizal
Jun 18, 2025
Bomb threat sa paaralan sa Laguna kumalat sa socmed
Jun 18, 2025