Calendar

P1M tinangay ng 3 holdaper sa courier company
HUMIGIT kumulang sa P1 milyong noong Martes ang natangay nang tatlong di-kilalang suspek mula sa isang courier sa DOMSA Road, Brgy, San Isidro, Angono, Rizal.
Ayon kay Rizal police director PCOL Felipe B. Maraggun ang biktima ay nakilalang si Annalyn, in-charge sa J&T Express, residente ng Bgy. Tatala, Binangonan, Rizal.
Lumabas sa impormasyon bandang 8:50 ng gabi, Mayo 6, 2025, nang biglang sumulpot at pumasok sa bodega ang tatlong di-kilalang suspek na armado ng mga baril ang isa ay nakasuot ng maroon na sweatshirt, itim na pantalon at itim na helmet. Ang isa ay nakasuot ng black and white long sleeved shirt, maong pants at black helmet. Ang ikatlo ay nakasuot ng asul na sando na may reflectorized na security vest, itim na pantalon at itim na helmet.
Kasabay ng pagtutok ng baril, nagdeklara ng hold-up ang mga suspek at saka kinuha at tinangay ang cash na may halagang humigit-kumulang sa P1,000,000.
Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa hindi pa malamang direksyon.
Patuloy ang ginagawang pagtugis sa mga suspek, kasama ang police dragnet operation ng mga operatiba at ang pgrebisa sa mga CCTV footages.