Cacdac

P2.2B AKSYON fund ready na sa mga OFWs

Jun I Legaspi Feb 18, 2025
30 Views

PATULOY ang pagsusulong ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng overseas Filipino workers (OFWs) at ng kanilang mga pamilya, ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Ibinida ni Cacdac ang suporta ng Pangulo at ng Kongreso sa pagpapatupad ng P2.2 bilyong Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund na nakatulong sa 135,601 OFWs.

Ang DMW AKSYON Fund isang komprehensibong sistema ng suporta na nag-aalok ng legal assistance, medical assistance, financial aid, repatriation services at emergency assistance sa mga OFWs.

Ang pangunahing layunin ng programa magbigay ng tulong sa mga OFW na nasa kagipitan at pagtiyak sa kanilang kaligtasan, seguridad at kapakanan.

Nagbigay ang AKSYON Fund ng tulong sa mga OFW na nasa conflict zones, kabilang ang repatriation ng 3,558 manggagawa mula sa Israel, Lebanon at Red Sea.

Sinusuportahan din ng pondo ang mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

“The financial assistance used to be a flat P30,000 given by the DMW. But the President told us to review the amount and instructed us to increase the assistance.

It is now P50,000 for regular distressed situation, P75,000 kung nagkasakit yung worker or kung nasa warlike situations. And P100,000 naman kung sa kasamaang palad, nasawi yung worker,” ani Cacdac.

Ang mga benepisyaryo ng DMW AKSYON Fund tinutulungan din ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) ng DMW para sa kanilang re-integration sa kanilang mga komunidad.