Dolor

P2.3M inilaan sa PNP OrMin

Helen D. Prado Nov 22, 2025
453 Views

NAUJAN, Or. Mindoro–Nagbigay ng P2.3M tulong si Mindoro Oriental Gob. Bonz Dolor sa lahat ng police stations sa lalawigang ito.

Ayon sa tanggapan ng gobernador, bahagi ng matatag na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga kapulisan ang pinansyal na tulong.

Layunin nito na tiyaking mas magampanan ng mga alagad ng batas ang kanilang tungkulin na panatilihing ligtas ang mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, pagtatrabaho at pagnenegosyo.

Inaasahang gagamitin ang naturang pondo para sa operational needs, pagbili ng mga kagamitan at pagpapahusay ng pangkalahatang serbisyo ng pulisya sa lalawigan.

Nagpasalamat si Provincial Director P/Col. Edison Revita sa tuluy-tuloy na suporta sa kanila ng gobernador.

Binigyang-diin ni Gov. Dolor ang kahalagahan ng kaayusan. “Walang magiging effective na pamamahala kung walang stable na peace and order sa lalawigan,” sabi ng pulitiko.