DBM

P2.48B inilaan para sa pagsasaayos ng mga paliparan

210 Views

NAGLAAN ang Marcos administration ng P2.48 bilyon sa susunod na taon para sa pagsasaayos ng mga paliparan sa bansa.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nakapaloob ang pondo sa P167.1 bilyong budget ng Department of Transportation (DOTr) para sa 2023.

Kasama umano sa popondohan ang pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airport, Laoag International Airport, Tacloban Airport, Antique Airport, at Bukidnon Airport, ayon sa DBM.

Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang infrastructure program ng nakaraang administrasyon na makalilikha ng trabaho at makatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya.