Calendar
Source: File photo
Provincial
P2.5M marijuana nasamsam sa 2 drug suspek
Alfred Dalizon
Jul 13, 2025
437
Views
NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Biyernes ang dalawang lalaki at nakumpiska sa kanila ang 21 kilo ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.52 milyon sa Baguio City.
Ang dalawang suspek, isang 43-anyos at 52-anyos na lalaki, nahaharap na sa kasong pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na droga alinsunod sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez.
Ayon kay PDEA Cordillera Regional Office Director Derrick Arnold C. Carreon, ang operasyon ay isinagawa sa Burnham-Legarda, Baguio City.
Nasamsam sa operasyon ang 20 piraso ng dried marijuana bricks at isa pang kilo ng parehong halaman na nasa pahabang anyo.
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026
7TH MOBILE CLINIC NG SM FOUNDATION
Oct 10, 2026
2 LPA binabantayan, bagyo nasa labas ng PAR
Oct 10, 2026
Karagatan ng Batangas niyugyog ng M3.8 na lindol
Oct 10, 2026
Pamilya nalibing ng buhay sa Cebu landslide
Oct 9, 2026

