Calendar
P21M halaga ng smuggled na produktong agrikultura nasabat
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cagayan de Oro ang tinatayang P21 milyong halaga ng produktong agrikultural na tinangka umanong ipuslit sa bansa.
Nakatanggap umano ng intelligence report ang BOC kaugnay ng pitong container van na naglalaman ng mga smuggled na produkto.
Nagsagawa ng physical inspection sa mga container van at doon nadiskubre ang mga sibuyas.
Tatlo sa mga container van ang consigned sa Frankie Trading Enterprises at idineklarang naglalaman ng “Yung Butter/Dairy Spreads” samantalang ang apat ay naka-consigned sa Primex Export and Import Producer at idineklarang “Spring Roll Patti.”
Nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSDs) laban sa kargamento dahil sa paglabag sa mga probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act.